Isang bagay na dapat ipinapapasalamat ng karamihan sa atin ang magkaroon ng maayos na kalusugan, malinaw na paningin at pang-dinig, may dala...
Isang bagay na dapat ipinapapasalamat ng karamihan sa atin ang magkaroon ng maayos na kalusugan, malinaw na paningin at pang-dinig, may dalawang kamay na makakahawak ng mga bagay at dalawang paa na magagamit upang makalakad ng maayos. Ngunit, ang ilan sa atin ay sadyang nakakalimot na magpasalamat sa itaas.

“Sorry po if nagkuha po ako ng picture without your permission. It’s really heartbreaking to see you kuya,” ayon kay Sheena.


Isang ng concerned netizen naman ang nagbahagi sa Social Media ng larawan ng isang lalaking may improvised leg na gawa sa kawayan at tinalian ng straw rope.
Nakasabay ng nag-upload ng larawan ang lalaki na may kapansanan sa isang pang-pasaherong jeep. Ang uploader na ito ay si Sheena Gallego. Ayon sa kanya, humihingi siya ng paumanhin dahil kinuhanan niya ang lalaking may kapansanan na walang pahintulot.
“Sorry po if nagkuha po ako ng picture without your permission. It’s really heartbreaking to see you kuya,” ayon kay Sheena.
Ayon sa post, napansin niyang gawa sa kawayan ang kaliwang binti ng lalaki. Naluha umano siya sa sitwasyon ng lalaki dahil naawa ito sa kanya. Ang lalaking nasa larawan ay kinilalang si Darius Senillo.

Naawa man si Sheena kay Darius, ay napahanga ito sa tatag ng kalooban ni Darius dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatali pa rin siyang lumalaban sa hamon ng buhay.
Nag-viral naman sa Social Media ang larawan na ito at humihingi ng tulong si Sheena na sana ay mabigyan ng prosthetic leg si Darius ng sa gano'n ay magkaroon siya ng maayos na binti at hindi gawa sa kawayan at upang makalakad na siya ng parang may tunay na binti.