Maging masaya na kung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may maayos na tirahan at may kasama sa buhay na kaagapay sa mga pagsubok. K...
Maging masaya na kung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may maayos na tirahan at may kasama sa buhay na kaagapay sa mga pagsubok. Kadalasan ay nakakalimutan natin na magpasalamat sa itaas na binigyan tayo ng maayos na pamumuhay. Dahil marami pa rin sa atin ang walang makain at walang maayos na matutuluyan.
Isang concerned netizen naman ang nagpost ng kwento ng isang matandang mag-isa sa buhay na araw-araw ay dumadaan sa mahihirap na pagsubok sa buhay ngunit nananatiling bumabangon para mabuhay. Si Max Udomsak ang nag-post sa Social Media ng kwneto ng isang matandang nagtitinda ng lugaw.
Ayon kay Max, mag-isa na lamang ang matanda dahil wala na ang kanyang asawa at ang dalawang anak nito. 78-taong gulang na ang matanda at patuloy pa din na kumakayod kahit na siya ay may edad na. Sa pamamagitan ng pagtitinda niya ng lugaw ay kumikita ito ng P34 pesos kada araw. Bagamat matiyagang nagtitinda ang matanda ay kadalasang walang bumibili sa kanya. Umaabot 3 hanggang 4 na oras ang kanyang paghihintay kung may bibili, minsan pa ay buong araw wala siyang benta.
Kaya naman sa kakulangan ng kanyang kinikita ay wala na itong kakayahang mangupahan kaya ang naisip niya ay manirahan na lamang sa abandonadong bahay kung saan ang bahay na iyon ay dating nasunog. Para hindi siya mainitan kapag aaraw at hindi mabasa ng ulan kapag umuulan, naisip ng matanda na maglagay ng plastik para pang-proteksyon niya sa init at ulan.
Nagsisimulang magtinda ang matanda ng alas-tres hanggang kinagabihan. Nang mai-post ni Max ang istoryang ito ay may mga nag-abot ng tulong para sa matanda.