Nakakamangha ang istorya ng isang bulag na si Minnie Aveline Juan matapos makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lamang siya nakapagtapos lang, is...
Nakakamangha ang istorya ng isang bulag na si Minnie Aveline Juan matapos makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lamang siya nakapagtapos lang, isa siyang Summa Cum Laude sa kanilang paaralan sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City.
Hindi naging balakid kay Minnie ang pagkakaroon ng kapansanan para makapagtapos ng pag-aaral at pag-igihang mabuti ang kanyang pag-aaral. Kasama ng 400 estudyante ay kauna-unahang nakapgtapos ng Summa Cum Laude sa kanilang paaralan si Minnie.
Humanga ang karamihan dahil sa determinasyon nitong matapos ang pangalawang kursong BS Elementary Education kahit na ito ay bulag. Isa sa kanyang taga-hanga, ang kaibigan at kaklase niyang si Amelia Vicente. Ayon kay Amelia, naging inspirasyon niya si Minnie sa pag-aaral.
Ang plano umano ni Winnie ay gamitin ang napag-aralan sa pagtuturo ng special education sa gaya niyang Persons with Disabity kapag makatapos ito kanyang masteral degree.
Maraming humanga sa kay Winnie na sa kabila ng kanyang kapansanan ay tila walang imposible sa kanya.