Marami sa mga bata ang mahilig sa tsokolate, kendi, chichirya at jelly ace. Nagiging paborito ng mga bata ang pagkain ng chewy candy dahil m...
Marami sa mga bata ang mahilig sa tsokolate, kendi, chichirya at jelly ace. Nagiging paborito ng mga bata ang pagkain ng chewy candy dahil masarap ito. Ngunit, mapanganib din ang pagkain ng chewy candy kapag nalunok ito ng buo.
Isang bata ang binawian ng buhay matapos malunok ng deretso ang isang chewy candy. Ayon sa post ni Julie Nayre Quiroz, tita ng bata, sinubukan na iligtas ang bata ngunit hindi na naagapat. Nang dalhin sa ospital, nagsagawa pa ng swåb test bago daw asikasuhin ang bata.
Lubusan naman ang pagdadalamhati ng mga naulilang pamilya ni Baby Kerker na apat na taong gulang pa lamang. Hindi nila matanggap ang nangyari dahil biglaan at dahil lamang sa chewy candy nawala ang kanyang pamangkin.
Mabait na bata daw itong si Baby Kerker at napakalambing sa kanyang lolo at lola maging sa kanyang ama.
Umabot ng 11k shares ang post na ito at maraming netizens ang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang kaanak nito.
Maging babala ito para sa mga magulang na bantayan maigi ang mga anak sa pagkain nila o kung ano man ang kanilang ginagawa dahil maaaring isang iglap lang ay mawawala sa piling nila ang kanilang anak.