Lahat ng ina ay may kapintasan at nagkakamali dahil tao din sila. Nakakaramdam din sila ng pagod, lungkot, galit at lahat ng emosyon. Ganoon...
Lahat ng ina ay may kapintasan at nagkakamali dahil tao din sila. Nakakaramdam din sila ng pagod, lungkot, galit at lahat ng emosyon. Ganoon din ang mga anak, ngunit laging pakatandaan na parating mahalin ang mga magulang lalo na ang ilaw ng tahanan- mga ina. Walang karapatang saktan ng anak ang kanilang magulang.
Narito ang isang post sa Social Media na di-umanong nanakit ng kanyang ina. Mula sa Facebook page na "Titang Sultan News" ang post na may larawang hindi kaaya-ayang sinapit ng isang ina mula sa kanyang sariling anak. Ang walang-awang anak na ito ay kinilalang si Marlon Siriban. Nakatira ang mag-ina sa Lal-lo Cagayan.
Dahil sa pangyayaring ito, nanawagan ang mga kapatid ni Marlon sa programa ng Raffy Tulfo in Action na nawa ay maipagamot ang kanilang ina at managot ang kanilang kapatid na si Marlon upang pagbayaran ang ginawa nito sa kanyang sariling ina.
Makikita sa larawan ang markang mga sugåt at pasa sa mukha ng nakakaawang mukha at ang tablang pinangpalo ni Marlon na tuluyan naman nasira dahil sa malalakas na paghåmpas nito sa mukha ng kanyang ina.
Sa lahat ng sakripisyo ng ina na ito para sa kanyang anak ay hindi tamang isukli para sa isang ina ang ganitong klaseng gawain. Sana naman ay maisip ni Marlon ang kanyang ginawa sa ina at pagsisihan niya ito.