Mula sa Denso Tambyahero, isang video ng tatay ang namamalimos na lamang sa kalsadsa matapos pabayaan umano ng kanyang mga anak. Ayon ka...
Mula sa Denso Tambyahero, isang video ng tatay ang namamalimos na lamang sa kalsadsa matapos pabayaan umano ng kanyang mga anak.



Ayon kay Tatay, pinalaki niya ang kanyang mga anak at ngayon ay pinabayaan na siya ng mga ito kaya ngayon siya ay namamalimos na lamang at humihingi ng piso-piso sa mga nagdadaan.
Inalok ng nag-upload ng video si Tatay na kumain sa chowking at ang sagot lamang ni tatay ay pang mayaman lamang ang kainan na 'yon.


Kwento ni Tatay ay nagluluto siya ng lugaw at nilalagyan na lamang niya ng asin. Ito ay kakainin na niya sa maghapon. Ang naiipon niyang pera sa pamamalimos ay pinangbibili niya ng bigas.
Ayon pa kay Tatay, mas pinili niya na mamuhay ng mag-isa dahil ang mga asawa ng mga anak niya ay hindi maganda ang trato sa kanya at sila ay lul0ng din sa masamång bisy0. Ang isa ay sinaktån umano si Tatay.

"Iniinom ko na lang ang luha ko po sir."
"Pinalaki ko sila pero ngayon nagpapalimos ako. Pinapabayaan nila ako."
Talaga naman mahirap ang sitwasyon ni Tatay dahil ang mga anak niya na inaasahan na mag-aalaga sa kanya pag tumanda siya ay pinapayaan na siya.
Lubos naman ang pasasalamat ni Tatay dahil sa pagtulong sa kanya ng Denso Tambyahero.