Hindi matutupad ang isang pangarap kung walang sipag at tiyaga sa buhay. Hindi matutupad ang nais at magandang buhay kung ikaw ay nakatungan...
Hindi matutupad ang isang pangarap kung walang sipag at tiyaga sa buhay. Hindi matutupad ang nais at magandang buhay kung ikaw ay nakatunganga lang sa bahay. Kung mataas ang pangarap, maging mataas din ang dedikasyon upang sa ganoon ay mapagtagumpayan ang gustong marating sa buhay.
“Mahirap po kasi sa isang seaman kung walang investment sa Pinas lalo na pag nasa bakasyon kasi puro palabas ang pera dahil sa dami ng trainings at requirements na kailangan ayusin. Maganda na ‘yung may income kahit nakabakasyon,” kwento nito sa Kicker Daily News.
Sipag at tiyaga ang puhunan ng isang 26-anyos na kusinero sa barko na si John Ebreo ng Sariaya, Quezon. Anim na taon pa lamang siya sa trabaho ngunit nakakapag-patayo na siya ns sariling negosyo at ito ang gasolinahan na kanyang pinatayo sa katas ng kanyang pinagtrabahuhan.
Nang makauwi siya at naitayo na ang gasolinahan noong Mayo 2020 ay kasabay naman ng pandemyang kinahaharap ng bansa, ito ang kanyang naging hanapbuhay at siya na rin mismo ang nagpapump-attendant kapag may nakaday-off sa kanyang mga tauhan.
“Mahirap po kasi sa isang seaman kung walang investment sa Pinas lalo na pag nasa bakasyon kasi puro palabas ang pera dahil sa dami ng trainings at requirements na kailangan ayusin. Maganda na ‘yung may income kahit nakabakasyon,” kwento nito sa Kicker Daily News.
Mahalaga sa tao ang pag-iipon ng pera para sa hinaharap dahil hindi daw habang buhay ang pagbabarko. Malaki din ang naiambag ng kanyang mga magulang upang maabot nito ang kanyang pangarap, binenta ng kanyang ama ang sasakyan noon Abril 2020 para tuluyan na maipatayo ang gasolinahan.
Tinupad naman ni John ang pangako niya sa kanyang ama na papalitan ang binentang sasakyan noong mismong ika-60 na kaarawan nito. Isang halimbawa si John Ebreo na magsumikap ang bawat isa sa atin ng sa ganoon ay matupad natin ang ating pangarap sa buhay at maging maayos ang ating hinaharap.