Ang ilan sa ating mga kababayan ay hindi naiiwasang gumawa ng masama para lamang makaraos sa kanilang pang araw-araw. Nagiging despirado sil...
Ang ilan sa ating mga kababayan ay hindi naiiwasang gumawa ng masama para lamang makaraos sa kanilang pang araw-araw. Nagiging despirado sila kahit na sa maling paraan ay gagawin nila ang bagay na ikakapahamak nila mairaos lang ang kalam ng sikmurå.
Isang binata naman ang nahuling nagnanakåw sa isang bahay sa lugar ng Tapaz, Capiz. Ayon sa ulat, 19-anyos ang binata na sinuplong sa mga awtoridad dahil nahuli ang ginawang pagnanakåw nito ng mga pagkain, ibang gamit at kabilang din ang dalawang manok na makikita sa larawan na haw-hawak niya.
Kinilala naman ang may-ari na isang 69-anyos na lalaki na si Manuel Gabucay, naninirahan sa Barangay Lagdungan.
Namataan din na may dala itong isang sako na may lamang mga prutas at chicken nuggets. Nang mag-imbistega, natagpuan din sa bahaty ng suspek ang iba pang mga gadgets gaya ng cellphones at tablets na pinaniniwalaang ninåkaw din niya.
Sa panayam sa kapulisan, ibinahagi ni Police captain Bryant Fallera, Chief of the Tapaz Municipal Police Station, ang alegasyon na nakita ng biktima sa akto ang suspek na may dalang isang sako mula sa pinasok na bahay nito.
Mayroon na umanong record sa barangay ang suspek dahil din sa pagnanakåw. Sinabi pa ni Retired Policeman na naging biktima din siya umano ng binatang ito na kinilalang si Romy Danid na isang residente ng Barangay Taft ng kaparehong Bayan.