Viral ngayon ang isang facebook post ni Abatayo Eupenado Rommel na isang Grab driver tungkol sa lalaking nag-bånta sa kanya at sa kanyang ...
Viral ngayon ang isang facebook post ni Abatayo Eupenado Rommel na isang Grab driver tungkol sa lalaking nag-bånta sa kanya at sa kanyang pamilya. Umabot ng 100+k Reacts, 44K Comments at 53K Shares ang kanyang post.
Kwento niya, may mag-nobyo siyang pasahero noong araw na iyon. Isinakay niya ang mag-nobyo habang sila ay nasa kahabaan ng McArthur Highway, nakiusap ang lalaki na nakilalang si Ar-r S. Gapusan na bumalik sa bahay nito dahil nakalimutan nito ang kanyang wallet, agad naman silang bumalik dahil wala silang pang-bayad sa driver na ito. Nang mabalikan at nakuha na nila ang wallet, nasa McArtur Highway sila nang sinabi ni Ar-r na nawawala ang kayang airpod.
Hinanap nila ang airpod sa bag ni Ar-r, maging sa sasakyan ni Abatayo ngunit hindi nila ito nakita. Nag-iwan lamang si Abatayo ng numero ng cellphone para kung sakali na makita niya ito ay masasabi niya kay Ar-r. Pero paulit-ulit na ibinintång kay Abatayo na isang driver na kinuha nito ang airpod ni Ar-r.
Nakapag-reklamo agad si Ar-r sa Grab kaya naman umuwi na lamang si Abatayo ng mag-pause ang ang Grab mobile application nito. Nang makauwi na siya, nakatanggap siya ng mga pagbabanta galing kay Ar-r. Makikita sa mga larawan ang mga sinabi nito sa kanya.