May isang lumang bahay na sobrang tahimik sa Ilocos Sur na may nakatirang 101-taong gulang na matandang dalaga. Wala siyang anak o apo na ma...
"Walang nagkagusto sakin kasi ang pangit-pangit ko." "Kapag pangit ka hindi ka magugustuhan ano." -ani ni Lola Felicidad.
Mag-isa man siya sa buhay ay tanging bukid lamang ang tangi niyang kasama. Pagtatanim ang kanyang naging libangan. Ayon kay Lola Felicidad, gusto niya pa din manatiling magtanim dahil ayaw niyang nakaupo lamang sa bahay.
Si Regina Cabico, isang malayong kamag-anak ni Lola Felicidad, ang nag-aalaga sa kanya. Binabayaran ng mga pamangkin ni Lola Felicidad si Regina upang bantayan ang matanda.
Paminsan-minsan na lamang nadadalaw ng mga pamangkin nito si Lola Regina kaya naman kumuha na lamang sila na gagabay kay Lola Regina. Karamihan sa kanyang mga pamngkin ay natulungan niya noong bata-bata pa ito at mga tagumpay na sa kanilang buhay. Tanging mga litrato na lang sa dingding ng iba ang nakalagay sa kanyang bahay. Tanda pa nito kung sino-sino ang mga nasa larawan. At isa lamang ang kanyang litrato.
Ipinipilit ni Lola Regina na siya ay pangit. Ngunit ang hindi niya alam ay isa siya sa pinaka magandang ginawa ng Maykapal.