Si Maureen Rose A. Hilario ay humihingi ng tulong kay Idol Raffy para sa kanyang kapatid. Noong Pebrero 14, 2021 ay nalaman nila na may sa...
Si Maureen Rose A. Hilario ay humihingi ng tulong kay Idol Raffy para sa kanyang kapatid. Noong Pebrero 14, 2021 ay nalaman nila na may sakit ng Brain Tumor ang kanyang kapatid na ang laki ay nasa 6cm na. Kinakailangan na siyang maoperahan.
![]() |
Photo Credit: Rose Hilario |
Ang kanyang kapatid na may sakit ay si Markents A. Hilario at nakatira sila sa Bilao,Saplan, Capiz. Sa ngayon ay nasa hospital siya sa West Visayas don Benito Hospital sa Iloilo City. Si Markents ay limang taon pa lamang kaya naman talagang nakakaawa ang kanyang kalagayan dahil sa murang edad ay di nya pa dapat maranasan ang ganitong paghihirap.
![]() |
Photo Credit: Rose Hilario |
Walang trabaho ang kanilang ina at isa namang tricycle driver ang ama nila. Hindi sapat ang kinikita ng ama para sa pang gamot at pang bayad sa hospital kaya naman nag post siya gamit ang Facebook account ni Rose Hilario para humingi ng tulong. Nasa litrato ang original post ni Rose Hilario at makikita dito contact number kung sino man ang may kakayahang tumulong sa nakakaawang bata.