"Ganito sa Hongkong hangga't kaya mong magtrabaho, pwede pa. Hindi importante ang tinapos mo basta may skill at masipag ka at main...
"Ganito sa Hongkong hangga't kaya mong magtrabaho, pwede pa. Hindi importante ang tinapos mo basta may skill at masipag ka at maintindihan mo ang trabaho mo. Dito sa Pilipinas hanggang ilang months ka lang pwede sa mga company kaya?" Ito ang post ni Cassy Marcelino sa Facebook matapos i-share ang larawan ng mga lola na nagtatrabaho sa isang branch ng Fastfood (Jollibee) sa Hongkong.
Nakakatuwa na sa kanilang edad ay nakakapagtrabaho pa sila. Makikita sa mga larawan na talagang malakas pa ang mga ito at matatalas pa ang pag-iisip. Hindi tumitingin ang kompanyang ito sa kung ano ang natapos mo at kung ilan ang edad mo basta masipag at may kakayanan ka pang magtrabaho ay matatanggap ka dito.
Matapos natin mag-aral at makapagtapos ay trabaho na agad ang ating hinahanap, sa murang edad madaling makapasok sa kompanya lalo na kung nakapagtapos ka ng kolehiyo. Dito sa atin, kadalasan ay kapag may edad na dapat nasa bahay na lang at nagpapahinga. Sana mayroon din ditong mga kompanya na tumatanggap kahit na may mga kapansanan, hindi nakapagtapos ng pag-aaral at may edad na basta may kakayanang mamasukan at magtrabaho.