Masakit para sa isang ama ang magkaroon ng såkit ang kanyang anak kaya naman gagawin nito ang lahat upang mapaginhawa at mapagaling ang kara...
Masakit para sa isang ama ang magkaroon ng såkit ang kanyang anak kaya naman gagawin nito ang lahat upang mapaginhawa at mapagaling ang karamdaman ng anak.
Isang ama ang kapos sa pinansyal na may anak na si Lee Begnotea, 2-taong gulang pa lamang si Lee ay mayroon na itong karamdaman na tinatawag na 'Bronchial Asthma'. Noon ay mayroon silang nebulizer ngunit dahil sa kalumaan at madalas na pag gamit ay nasira na ito, hindi na din napalitan dahil sa kakapusan ng pera.
Upang gumihawa ang pakiramdam ni Lee ay naisip ng kanyang ama na gumamit ng tire pump o pang-b0mba ng gulong na dito ay nakakoneka ang nebulizer cup at mouthmask. Bumibilang ng 5-minuto at dahan-dahan itong binob0mba.
Ayon naman sa mga doktor, hindi mabuti para kay Lee ang pag gamit ng tire pump sa kanyang sakit na hika. Hindi ligtas gamitin ang tire pump dahil may kemikal ito sa loob at para lamang ito sa gulong.
Umabot naman sa kinauukulan ang post na ito kaya naman binigyan si Lee ng bagong nebulizer at mga gamot para sa kanyang hika. Binigyan din siya ng Scholarship hanggang matapos ito sa kolehiyo. Laking pasasalamat ng mag-ama dahil dito.