Para sa isang magulang, mahirap isipin na ang pinalaki, inalagaan, at pinag-aral mong mga anak ay kinalimutan at pinabayaan ka na. Tama nama...
Para sa isang magulang, mahirap isipin na ang pinalaki, inalagaan, at pinag-aral mong mga anak ay kinalimutan at pinabayaan ka na. Tama naman na kailangan ng bumukod ng mga anak kapag ito ay may sarili ng pamilya ngunit hindi tama na kalimutan na lamang kung sino ang una mong naging pamilya- ang mga magulang. Nakakalungkot lang na malaman na ang isang matanda na si tatay Rene Banaag ay may ganitong nakakaawang sitwasyon dahil mag-isa na lamang sa buhay dahil hindi na inaasikaso ng kanyang mga anak.
Isang concerned netizen na si Jenny Rose Leonardo Ventura ang nagpost tungkol sa kalagayan ni tatay Rene at humihingi si Jenny ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo para matulungan itong si tatay Rene. Nakatira ngayon si tatay Rene sa isang barong-barong sa Bantug Bulalo Cabanatuan, Nueva Ecija.
Narito naman ang post ni Jenny Rose:
"Hello po Sir #raffytulfoinaction Gusto ko lang po sana matulungan niyo ang kawawang kalagayan na to. May mga anak po yan hindi inaasikaso ng mga anak, namamalimos lang po sa kung saan saan. Walang nag aalaga po at mapånghe na nakatira lang po sa barong barong, inaabutan lang po ng pagkain. Sana po ay matulungan niyo Sir."