Dahilan ang pagsusumikap sa pag-aaral para magkaroon ng maayos na trabaho at magandang buhay. Isang dahilan ng pag-iipon ay para magamit sa ...
Hirap at sakripisyo ang kailangan para tumagal sa trabaho at mahabang panahon ang hihintayin para makuha ang retirement pay. Ang retirement pay ay isang benepisyo na ibinibigay ng isang kompanya kapag ikaw ay matagal ng nagseserbisyo sa kanila. Nakakaawa at nakakapanlumo ang sinapit ng isang lola dahil sa nangyari sa kanyang retirement pay na 30-taon niyang inipon. Pinagpaguran niya ito sa pagtatrabaho sa Amerika.
Subalit may mga taong ginagamit ang kakayanan sa pang-lol0ko ng kapwa katulad na lamang ng nang-bud0l kay Lola Remedios Buizon. Kinilala ang suspek na si Anthony Jitula, 24-taong gulang matapos madakip sa isang entrapment operation na saktong nasa bangko rin ang matanda at dala-dala din ng suspek ang P7 milyon sa kaparehong bangko.
"Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo, `Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ng tao, may mga walanghiya ngayon." "Kay tanda ko na, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila, Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan." ani ni Lola Remedios.
Sa panahon ngayon na may kinakaharap na pandemya ay mag-ingat sa mga manlol0ko dahil talamåk ngayon ang mga ganitong uri ng masamång gawain.